Tinatayang 300 Milyon Na Sako Ng Bigas, Nasabat Sa Isang Warehouse Sa Binondo

Kabi-kabilang batikos ang natatanggap ng gobyerbo ukol sa krisis na sinasabing nararanasan ng bansa ngayon. Halos lahat ng pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino ay nagtataasan na ng presyo, mapa-bigas, presyo ng gaas, at mga gulay ay nagtataasan na din. Na syang tila hindi na katanggap tanggap para sa masa.

Sinisi ang Train Law

Sinisisi ang pagpapatupag ng Train Law dahil sa krisis. Ngunit ang tanong ng marami, totoo nga ba na may krisis sa bigas o may mga umiipit lamang sa mga ito dahilan para magtaas ito sa merkado? Kagagawan lamang ba ito ng mga kalaban ng administrasyon o ng mga negosyante na may layuning abusuhin ang sitwasyon ng krisis?

Krisis Sa Bigas

Sa isang Facebook video na inupload ni Greco Belgica, makikita na nasa isang rice warehouse ito. Ayon dito, may mga ulat na may tinatayang bulto bulto ng sako ng bigas ang nakatago rito. Tinatayang nasa 300 million ang presyo ng lahat ng bigas na nakatago sa warehouse.

Naging biro pa nito ang kulay dilaw na mga sako ng bigas, isang patutsada sa mga posibleng pasimuno sa nasabing pagtatago ng mga bigas. Hindi pinangalanan ang may-ari ng warehouse at ang proseso dito ay nasa kamay na ng mga otoridad.

Ang pangyayari ay sa Binondo, Maynila. Dagdag pa ni Belgica, patuloy ang imbestigasyon at inspeksyon sa iba’t ibang rice warehouse. Nangako naman ito na anumang kurapsyon ang makita at maireport sa kanila ay makakaasang matutugunan, para sa bayan.

Reaksyon Ng Mga Netizen

Natuwa naman ang netizen sa balitang ito, isang bagay para makapagbigay ng ideya ukol sa krisis sa bigas. Mabigat man ang laban na ito mula sa mayayamang negosyante, hindi ito magiging mahirap kung mayroong mga tao na taos puso ang paglaban para sa masa.

Pinasalamatan ng mga netizen si Belgica kasabay ng hiling ng mga ito na sa susunod na eleksyon ay makakuha na ito ng senatorial seat.

Marami naman ang nagbibigay suhestyon na ibenta na lamang ito sa mababang presyo na abot-kaya para sa mahihirap at mapakinabangan ng buong bayan.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

Rice Shortage/Rice Hoarding – Corruption Investigation bakit mataas ang presyo ng bigas?Basta Corrupt…SIBAK SIBAK SIBAK

Posted by Greco Belgica on Thursday, September 27, 2018

SOURCE: Facebook

The post Tinatayang 300 Milyon Na Sako Ng Bigas, Nasabat Sa Isang Warehouse Sa Binondo appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*