Rugby Boys, Inatake ang Security Guard ng Convenience Store Matapos Mahuling Nagnanakaw!

“Ang mga kabataang ang pag-asa ng bayan.” yan ang mga katagang nagmula sa ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal. Ngunit ang mga kabataan ngayo kaiba sa kung ano ang nararapat na maging sila.

Viral Video

Isang video ang inupload ng isang Facebook netizen na si Grace Ybanez, ipinapakita ang mga kabataang nag-aamok sa isang convenience store. Makikita na nakikipambuno ang mga kabataan sa security guard ng pamilihan.

Ayon sa post ni Grace, nagtago na lamang sila sa isang kwarto sa convenience store kasama ang ibang bata nang makitang nagkakagulo sa naturang lugar. Ayon pa dito, isa sa mga kabataang nag-aamok ang nais saksakin ang security guard nila. At ang isa naman ay dinuraan ang guard sa mukha. Maikita din na tila walang kalaban-laban ang kawawang guard.

Rugby Boys

Ang mga kabataan ay sinasabing mga rugby boys sa kanilang lugar. At masasabing ang mga ito ay tila lulong na lulong sa masamang bisyo para magawa ang mga bagay na ito.

Idinagdag pa ni Grace na nagpatawag sila ng pulis ngunit walang dumating para magrumesponde. Huli na nang dumating ang otoridad kaya naman ipinakita na lamang sa mga ito ang video clip.

Nang makita nang mga pulis ang video, nasabi nila na nakikilala nila ang mga naturang kabataan na nanggulo sa convenience store. Ang mga ito ay nahuli na rin noon sa parehong kaso at ibinigay na sa kanilang mga magulang ngunit tumanggi ang mga ito. Sinasabi pa ng mga magulang ng mga ito na perwisyo ang mga nasabing bata.

Hiling Ni Grace

Sa post ni Grace ay hiniling nito na sana ay mapababa ang edad ng mga bata na maaaring makulong mula 18 pababa. Dahil ang mga nakakagawa ng krimen sa panahon na ito ay mga kabataan na mas malakas ang loob gumawa ng masama dahil alam ng mga ito na maaari silang hindi makulong.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

Update on what I've read in the article earlier about implementing the law of criminal cases from 13yrs.old pataas! Grabe panoorin nyo po kung gaano katatapang itong mga kabataan na ito. Nahuli sila ng guard namin na nangungupit dito sa convenience store, pinag tulungan yung guard namin gusto pa saksakin nung isa. Dinuraan pa sa mukha! Wala kami magawa kasi na trapped kmi sa loob at tatlong bata ang kasama ko. Nung nakalabas ako nagpatawag ako kaagad ng KAAC pero walang dumating police pero late narin dumating and according to the police officer when we showed the video clip to them maraming beses na pala nila nahuli tong mga kabataan na ito "rugby boys" nga daw yan at sanay na they even tried to turn over them to their parents pero hindi nrin tinanggap ng mga magulang dahil talagang perwisyo daw.. sana maisakatuparan ang batas na pagkulong sa mga kabataan na ganito, malalakas ang loob kasi alam nila hindi sila ikukulong. Nagbanta pa yan na babalik at pinag babato mga sasakyan na naka park sa labas.

Posted by Grace Ybanez on Saturday, September 29, 2018

Reaksyon Ng Mga Netizen

Sinang-ayunan naman ng mga netizen ang hiling ni Grace na sana ay babaan ang criminal liability para sa mga kabataan. At dapat na mabilis na aksyunan ang kasong ito dahil baka balikan ng mga ito ang guard. Marami ang nagsuhestyon na rehabilitasyon ang higit na kailangan ng mga bata at muli na namang naungkat ang batas na pinangunahan ni senator Kiko Pangilinan, ang Juvenile Act.

SOURCE: Facebook

The post Rugby Boys, Inatake ang Security Guard ng Convenience Store Matapos Mahuling Nagnanakaw! appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*