Kakaibang Marriage Proposal ng Isang Marine Soldier para sa Kasintahan Nito, Nag-viral!

Tila nagiging malikhain na ang mga kalalakihan sa pagplano ng kanilang marriage proposal sa kanilang mga kasintahan. Kadalasang nagiging trending ang iba’t ibang ideya na talaga namang makakagpalambot ng inyong puso. Bawat isang trending video ng isang marriage proposal lalo daw umano tumataas ang standard ng mga kababaihan, ayon sa isang biro.

Nag-viral ang isang video na in-upload ng isang Facebook netizen na si Mark Narcissus Apura kung saan ay nagpropose ang isangmarine soldier sa kasintahan nito. Nitong hapon lang, makikitang animo aksidenteng kaganapan sa Koronadal. Sa paligid ay may lupon ng PNP Police at makikita ang isang motor na may isang lalaking tila nakahandusay padapa sa tabi nito.

Kakaibang Marriage Proposal

Ilang saglit pa lamang ay dumating ang isang motor na may lulan na angkas na babae at dali daling lumapit sa nakahigang lalake na syang kasintahan nito at nag-iiiyak at nag-aalala. Unti unti ay hinawi ng mga kapulisan ang babae na nagnanais na lumapit sa kasintahan nito at biglang gumalaw paharap ang marino. Unti unti ay gumalaw ito at saktong naglabas ng isang singsing na nasa isang maliit na pulang box. Na sya namang ikinagulat ng babae at biglang napayakap sa babaeng katabi nito.

Tumayo ang marino at nag-abot ng bulaklak sa kasintahan at muling lumuhod para pormal na tanungin ang babae. Isinuot nito ang singsing sa kasintahan at tuluyang nagyakap ang dalawa. Tuwang tuwa at halos maiyak sa saya ang dalaga, liban sa pagkabigla nito at kakaibang set-up ng proposal.

Free Lunch

Ayon sa nagpost, isang tumataginting na free lunch ang suhol umano ng marine soldier mula sa pagtulong ng bawat isa para maisagawa ang planong marriage proposal nito. Makikita namang masaya ang mga taong nasa paligid.

Halo-Halong Reaksyon Ng Mga Netizen

Tila nainggit ang mga netizen sa nasaksihang sweet proposal video. Marami ang nagpaabot ng pagbati para sa dalawa. Ngunit talaga naman na ang iba ay palaging may nahahanap na butas sa bawat masayang bagay at hindi napigilang sitahin ang paggamit sa police car para maisagawa ang plano.

May iba naman na nainis sa mga negatibong komento at sinabing “bitter” ang mga ito. Dagdag pa dito, ang iba ay nainis dahil umano naging sanhi ito ng trapiko

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

Posted by Mark Narcissus Apura on Saturday, September 29, 2018

SOURCE: Facebook

The post Kakaibang Marriage Proposal ng Isang Marine Soldier para sa Kasintahan Nito, Nag-viral! appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*