ACTS Part-list Rep Bertiz, Huli Sa Camera Na Pumalag Sa Security Protocol Ng NAIA

Ang mga airport sa lahat ng bansa ay nagtatalaga ng mga mahigpit na batas na dapat tugunan ng bawat pasahero. Hindi lamang kaligtasan ng tao ang dahilan ng mga batas na ito ngunit para rin ito sa seguridad ng buong bansa.

Ngayon na nasa Security Condition Level 2 Alert ang Ninoy Aquino International Airport, ang bawat pasahero sa departure area ay dapat na magtanggal ng sapatos para sa karagdagang security protocol. Ito ay naglalayon ng final security procedure. At ang paglabag dito ay may karampatang parusa.

Paglabag sa Security Protocol

Sa isang video na inupload ng Manila International Airport, nito lamang umaga bandang 6:45 am ay makikita ang ilang pulitiko na palabas sa departure area. Unang makikita ay si Imee Marcos na sumunod sa protocol. Ilang sandali pa ay dumating na si ACTS Party-list Representative Congressman Aniceto John Bertiz na sya namang pinaalalahanan ng Airport officer na tanggalin ang kanyang mga sapatos bilang security process ng Airport. Ngunit binalewala nito ang paalala ng officer at hinarass ang airport personnel sa paghampas hampas ng ID nito sa nasabing opisyal.

Dahil dito ay maraming inilabag na security protocol ang congressman. Ipinatawag pa nito ang General Manager na si Ed Monreal para umano ipatanggal ang nasabing airport personnel.

Reaksyon Ng Netizens

Isang malinaw na pagpapakita ito ng kayabangan at pagiging arogante na hindi dapat ikinikilos ng isang opisyal ng gobyerno. Para sa mga netizen ay akala mo na sya ang presidente ng bansa para hindi sumunod sa SOP ng naturang lugar.

Sigaw ng mga netizen, ito ay isang uri ng pang-aabuso sa karapatan at kapangyarihan. Marami ang nagtaas ng kilay at nagsabing dapat alisin ito sa pwesto at bigyan ng karampatang parusa.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

Incident at NAIA Terminal 2 Domestic Departure,where as of Today Security Condition Level 2 Alert is currently implemented,all passengers and employees are required to take off their shoes at the FINAL Security checkpoint respectively..we will be putting in private the name of the Personnel that was harrassed..Happened at around 6:45am Sept.29,2018.First enters Imee Marcos,kindly took off her shoes following security procedures.then enters this IGNORANT POLPOLITICIAN,Cong. ANICETO JOHN BERTIZ,as per instructions,was advised to take off his shoes,BUT deliberately ignored the screening officer and went in,then harrassed and shoved his damn ID unto the OTS personnel's face and took the officer's ID.Violating a lot of security protocols.And to our expectation,called General Manager Monreal to Terminate the Screening officer.WTF,mr. Congressman,di ka presidente para ma-excempt sa SOP's,mayabang ka!abusive of the AUTHORITY given to you by the PEOPLE!!kapal ng mukha mo.SIMPLE INSTRUCTIONS,you can't even follow?may utak kaba?you call yourself a PUBLIC SERVANT???Shame on you.IGNORANTE!!!Video courtesy of APD

Posted by Tatay Ng Bayan on Saturday, September 29, 2018

Trending na si Bertiz

Ngayon ay trending si Bertiz sa social media kasabay ng pagkaungkat ng kontrobersyal na speech nito sa nakaraang oath taking ng mga engineers nitong ika-26 bg Setyembre.

Sinabi nito na ang hindi nakakakilala kay SAP Bong Go ay hindi bibigyan ng lisensya. Na sya namang biro ng congressman ayon dito. Ngunit hindi ito tinanggap ng marami bilang biro. Dagdag pa dito, inaako naman ni Bertiz ang responsibilidad kung anuman ang kahinatnan ng isyung ito. Matatandaang humalili ito sa isang speech na dapat ay dadaluhan ni Bong Go.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

GMA News: Viral 'Bong Go' joke ng isang OFW solon

Viral ngayon ang "Bong Go" joke ni ACTS OFW party-list Representative John Bertiz III sa isang oath-taking ceremony para sa mga bagong engineer. Hindi kasi nagustuhan ng ilan ang sinabi niya na "'Yung hindi nakakakilala kay Secretary Bong Go, walang PRC license."Humingi na siya ng paumanhin kaugnay nito: "It was an inappropriate joke, and I really feel sorry for it."Basahin: http://bit.ly/2DtCkRO

Posted by GMA News on Wednesday, September 26, 2018

Marami naman ang pumuri kay Imee Marcos sa pagsunod nito ng tama sa security protocol.

SOURCE: Facebook

The post ACTS Part-list Rep Bertiz, Huli Sa Camera Na Pumalag Sa Security Protocol Ng NAIA appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*