Panuorin: Lindol At Tsunami, Kumitil ng 384 Na Buhay Sa Indonesia

Isa na namang malagim na trahedya ang nangyari kanina sa isla ng Sulawesi sa Indonesia matapos lumindol na lumikha ng tsunami na kumitil sa buhay ng 384 na indibidwal sa lugar.

7.5 Magnitude Na Lindol

Ayon sa pahayag ni Sutopo Purwo Nugroho, tagapagsalita ng  Indonesia’s disaster mitigation agency BNPB, isang 7.5 na magnitude na lindol ang unang naranasan sa lugar, na naging sanhi upang magkaroon ng alon na tumaas ng mahigit na 18 na talampakan.

Karamihan sa mga nasawi sa trahedya ay ang mga taong nasa beach at naghahanda para sa isang beach festival sa lugar. Huli na ng malaman nila ang panganib ng tsunami kung kaya’t hindi na sila nakatakbo sa ligtas na lugar.

Ayon sa tagapagsalita, malaki ang kasiraang idinulot ng trahedya. Libo libong kabahayan, ospital, eskwelahan at maging mga shopping malls ay gumuho sa lakas ng tsunami. Bukod sa bilang ng mga namatay na karamihan ay nakulong sa mga gumuhong gusali, aabot din sa mahigit 500 ang bilang ng sugatan.

Matatandaang noong isang buwan lamang, isa ding lindol ang yumanig sa isla ng Lombok sa Indonesia na ikinasawi naman ng mahigit 500 katao. Ang Indonesia ay nasa lugar na tinaguriang “Pacific Ring Of Fire” kung kaya’t madalas silang nakararanas ng mga lindol.

Nakapanlulumong Eksena

Sa isang video na ibinahagi ng Channel News Asia sa kanilang Facebook page, nakunan ng isang turista ang eksena kung paano naganap ang nakapanlulumong trahedya. Makikitang ang malaking alon ay mabilis na sinuyod ang pampang, at inanod ang lahat ng kabahayan at mga taong nasa loob nito.

Sa lakas ng Tsunami, maging ang Mosque ay makikitang nasira at inanod ang parte nito. Maririnig sa video kung paano naghiyawan sa takot ang mga tao. Mabuti na lamang at hindi nagiba ang gusaling kinalalagyan ng kumuha ng video.

Lupit Ng Kalikasan

Sa mga trahedyang tulad nito, makikita natin na ang tao ay walang kalaban laban sa lupit ng kalikasan. Nitong mga nagdaang taon, kabi-kabila ang trahedyang nagaganap hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Marami ang nagsasabing ito ay sanhi ng Global Warming, na nag-ugat din sa kapabayaan ng tao. Ang industriyalisasyon ay maganda kung ito ay hindi nakakasira ng kalikasan.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

Tsunami hits Indonesian city of Palu

WATCH: The moment a tsunami slammed into the Indonesian city of Palu after a major earthquake, as seen in footage circulating online.

Posted by Channel NewsAsia on Friday, September 28, 2018

Ito ang ilan sa mga pahayag ng ating netizens.

Source : Facebook

The post Panuorin: Lindol At Tsunami, Kumitil ng 384 Na Buhay Sa Indonesia appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*