Misis, Subrang Nasurpresa sa 2nd Marriage Proposal ng Kanyang Mister na Nag-viral

Ang marriage proposal ang pinaka-inaabangan sa buhay pag-ibig ng mga magkasintahan. Ito ang simula ng masalimuot na paghahanda sa kasal.

Ngunit isa ito sa mga pangyayari sa buhay na minsan lang mangyayari sa isang tao o sa buhay ng magkasintahan na nakatakdang magsama habambuhay.

Kaya nga naman talaga ginagalingan ng mga lalake ang paggawa ng sorpresang proposal sa kanilang mga nobyo dahil ito ay isang once in a lifetime experience.

Birthday Surprise

Isang pampagoodvibes na video ang inupload ng isang Facebook netizen, Vanessa Tablizo na kinuhanan nung mismong kaarawan nya. Tila nasa isang hotel room, inihain sa kanyang paggising ang isang cake at isang boquet ng flowers.

Tulad ng mga nauusong pakulo para sa mga nagbibirthday ngayon, nasabik si Vanessa sa unting pag-angat ng mga perang papel matapos nito ihipan ang kanyang birthday cake.

Mariing nanonood ang asawa nito na si Wendell na sya namang tuwang tuwa din. Maririnig din sa background ang mga anak na excited sa kanilang pakulo.

The Catch

Habang paangat ng paangat ang mga perang papel na surpresa, sa bandang dulo ay hindi na perang papel ang nakikita ni Vanessa kundi isang tanong na nakapagpaiyak dito ngunit nakapagpasaya sa kanyang puso at kalooban. Makikita sa video ang,

Will You Marry Me Again?

Hindi na natapos ni Vanessa ang mensahe bagkus umiyak na agad ito sa tuwa at gulat. Ang asawa naman na si Wendell ay mabilis na binigyan ito ng mahigpit na yakap. Ang mga anak nila ay masayang masaya at natutuwa sa pangyayari.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

Best Birthday Suprise ever…… Thank you my Love, Wendell. I love you! 😘😘😘#MarriageProposal@41 😜😍

Posted by Vanessa Sison Tablizo on Saturday, September 22, 2018

Reaksyon Ng Mga Netizen

Marami ang nainggit at natuwa sa marriage proposal na sya ring birthday surprise ng asawa ni Vanessa. Ito na yata ang magiging bagong trend at pakulo na aabangan ng marami.

Marami aniya ang na-touch at naiyak. Maraming babae ang nagtag sa kanilang mga kasintahan, isang simplemg parinig sa mga partner nila ng isang magandang ideya. Kilig na kilig ang mga netizen na sya namang dahilan ng pagka-viral ng video ni Vanessa at Wendell.

May Forever

Ang marriage proposal ni Wendell Tablizo sa asawa nya ang isa sa mga bagay na nakapagbigay pag-asa sa mga netizen na talaga naman ay “may forever.”

Ika nga ng mga romantiko, handa nitong pakasalan ang isang babae kahit saang simbahan at kahit ilang beses, katulad na lamang ni Wendell!

SOURCE: Facebook

The post Misis, Subrang Nasurpresa sa 2nd Marriage Proposal ng Kanyang Mister na Nag-viral appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*