Trillanes, Itinuturing Na Pagkapanalo Ng Mga Pilipino Ang Araw Na Ito

Lumabas na ang desisyon ng Makati RTC Branch 148 ngayong araw ukol sa kasong rebelyon ni Senator Antonio Trillanes IV. Ang resulta na inilabas ay court deferral para sa kaso nitong kudeta. Mananatiling itong malaya habang patuloy ang pagdinig sa kaso nito.

Pasasalamat Sa Mga Pilipino

Mula sa isang press conference na isinagawa sa Senado ngayong hapon, sinaad ni Trillanes ang kanyang lubos na pasasalamat sa lahat ng mga Pilipino, sa pagdarasal para sa kanya at sa pagsuporta nya, lalong lalo na sa pamilya nito at lahat ng staff sa Senado. Matatandaang sinabi nito na patay na ang demokrasya sa Pilipinas noong mga panahong lumabas ang kanyang warrant of arrest at hold departure order mula sa Branch 150. Ngunit ngayon, sinabi nitong tumitibok pa din ang demokrasya sa bansa at dahil dito, ang mga Pilipino ay dapat na maging mas mapagmatyag sa lahat ng atake ng gobyerno para umano patayin ito.

Judge Soriano

Lubos pusong nagpapasalamat ang senador kay Judge Soriano dahil sa desisyon nito ukol sa kanyang kaso. Hindi umano ito nagpabulag at nagpadala sa pressure na dala ng Pangulong Duterte at mga kaalyado nito. Dagdag pa, natutuwa itong sinunod ang kabutihan at ang tamang proseso ng pagdinig sa kaso nito.

Galit Kay Duterte

Patuloy pa din ang pag-atake nito ng personal sa presidente. Aniya pa, tuwang tuwa ito na sabihin na ang kabutihan ay nanalo mula sa kadiliman. Sa ngayon ay mas tumitindi ang galit ng senador kay Duterte. Ibinahagi nito na tumugon ito sa mga kinakailangan na dokumento at inamin ang mga kasalanan kaya naman nakakuha iti ng amnesty. Kung aniya may isang dapat magpatunay na peke ang mga papeles nya, ito dapat ang partido ng pangulo.

Komento Ng Mga Netizens

Nagagalit ang mga netizen sa panggagamit ni Trillanes sa taumbayan na animo ay nakukuha nito ang kanilang simpatya. Karamihan ay humihiling ng death penalty para sa senador. Ayon sa iba, darating ang araw na makukulong din ito at pagbabayaran ang bawat kasalanang nagawa nito. Ang iba ay nagsasawa na sa panay pa-press conference ng senador. May mga mangilan ngilan naman na patuloy na sumusuporta sa senador at natutuwa sa resulta ng kaso ngayong araw.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

LIVE: Senator Antonio Trillanes IV holds press briefing after Makati Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano’s decision to defer ruling on the Department of Justice’s motion for an arrest warrant and hold departure order.

Posted by Politiko on Friday, September 28, 2018

Ito po ang ilan sa mga komento ng netizens.

Source: Facebook

The post Trillanes, Itinuturing Na Pagkapanalo Ng Mga Pilipino Ang Araw Na Ito appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*