Sobrang Pagseselos ng Mister, Nauwi sa Hiwalayang Nasaksihan ng Buong Barangay

Isang lalaki ang dumulog sa tanggapan ni idol Raffy Tulfo upang humingi ng payo tungkol sa pagsusugal at pag-iinom ng kanyang live-in partner. Ang bwelta naman ng kanyang kinakasama ay sobrang seloso niya! Tunghayan ang pagpapatuloy ng kanilang kwento!

Sugarol At Lasenggera Si Misis

Kusang dumulog ang lalaki sa programang Raffy Tulfo In Action upang humingi ng tulong at payo kung ano ang dapat gawin sa kanyang asawang lulong sa tong-its at alak. Tinanong nya si idol Raffy kung dapat na bang hiwalayan nya ang kinakasama sapagkat nauubos lang ang perang kanyang pinagtrabahuhan sa pagsusugal. Gusto nya ring mapunta sa kustodiya nya ang kanilang anak.

Hiwalayang Saksi Ang Buong Barangay

Dahil sa payo ni Raffy Tulfo na kailangan nilang magharap sa barangay upang mapag-usapan ang paghihiwalayan nila at pagsusustento, sila ay dumulog sa kanilang barangay. Tila isang “shooting” sa pelikula ang naganap, sapagkat halos ang buong barangay ay nakiki usyoso sa kanilang pag-uusap. Doon ay nagpirmahan sila na maghihiwalay na at magsusustento na lamang ang lalaki para sa kanilang anak.

Makikitang nakakaawa ang mga bata sa ganitomg mga sitwasyon, bagamat wala pa silang muwang, sila ang mas maapektuhan ng paghihiwalay ng mag-asawa sa paglaki nila.

Seloso Pala Si Mister

Muling dumulog ang lalaki kay idol Raffy sa kadahilanang gusto nya na makipag-ayos sa kanyang asawa at nami miss nya na ang kanyang mga anak. Ngunit ang kanyang asawa ay tumanggi na dito. Idinahilan nito na si mister ay sobrang seloso. Siya ay hindi pinapayagang lumabas ng matagal, Pati ang bahay nilang iisa ang bintana ay pinasarhan pa ng lalaki dahil sa selos. Pati ang kanyang pananamit ay pilit ding binibigyang kahulugan ng kanyang mister.

Sa kabila ng payo ni Idol Raffy na pag ayusin sila alang alang sa kanilang anak, pilit na tumatanggi ang babae. Sapat na daw ang kanyang pagtitiis sa pagka seloso ng mister, at ang kanyang aasikasuhin nna lamang ay ang pagkalinga sa kanilang mga anak.

Reaksyon Ng Social Media

Marami sating mga netizen ang nalungkot hindi para sa magasawa kundi sa kanilang mga anak. Sa ganitong mga pagkakataon, higit na kawawa ang mga bata, sapagkat lumalaki sila na kulang sa aruga ng isang buong pamilya.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

Part 2: Nagmistulang shooting sa isang pelikula ang kanilang naging hiwalayan.

Part 2: Nagmistulang shooting sa isang pelikula ang kanilang naging hiwalayan. Narito ang link ng Part 1:https://www.facebook.com/raffytulfoinaction/videos/1913014075673950/#raffytulfoinactionYoutube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutubeFacebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebookInstagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagramWebsite: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Posted by Raffy Tulfo in Action on Friday, September 28, 2018

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens.

Source: Facebook

 

The post Sobrang Pagseselos ng Mister, Nauwi sa Hiwalayang Nasaksihan ng Buong Barangay appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*