PART 2: Babaeng Dinala sa Mental, Nakaharap na ang Dating Asawa at Byenan na Babae

Sa ikalawang parte ng istorya tungkol sa ginang na dinala ng byenan sa isang mental hospital, humarap ang nanay ng nirereklamong asawa na si Jesusa Detic at ang pamangkin nito na si Paz Villanueva. Aniya sa nanay ng inhinyero, si Paz ang saksi sa lahat ng pangyayari.

Ang Istorya Ayon Kay Aling Paz

Ayon sa ginang, nasaksihan ng buong pamilya nila na nagwawala si Queenie sa kanilang bahay noong March 2013. Pinagmumura umano ni Queenie ang lahat ng nasa bahay nila noong panahon na iyon. Nakita din umano si Queenie na dala dala ang anak nito at tila magpapasagasa sa kalsada. Kaya naman minabuti ng pamilya ng lalake na dalhin ito sa mental.

Pekeng Social Worker

Dagdag pa, inilahad ni Queenie na kamakailan ay nagtext sakanya ang Head o OIC ng GMA DSWD nang mapanood ang panayam sa Raffy Tulfo. Isiniwalat nito na hindi tunay na lisensyadong social worker ang tumingin kay Queenie noong March 2013, panahon na dinala ito sa mental.

Tensyon

Nagkakaroon ng matinding tensyon na makikita sa video. Nagkakasagutan at nagkakainitan na sina Queenie at Aling Paz nang ipakita nito na may dala silang dokumento na nagpapatunay na 5 beses bumalik sa mental si Queenie para sa mga follow-up check nito. Na sya namang dinedeny ng nagrereklamo.

Inirekomenda ni Raffy na magkaroon ng opinyon sa resident medical staff nila na may kakayahan at lisensya na basahin ang medical records na dala nina Jesusa Detic. Malakas ang laban ni Queenie dahil sa ikalawa at ikatlong opinyon nito sa pagpapa-psych test ay lumabas na normal ang kanyang lagay. Magiging aniya kasiraan ito sa National Mental Health.

Suportang Pinansyal

Sa isang panayam kay Michael Detic, pumayag ito na magbigay ng suportang pampinansyal sa anak nila ni Queenie, ngunit humihiling ang nanay ng lalake ng DNA Testing para mapatunayan na sa anak nya ito.

Hiniling naman ni Queenie na makakuha ng 40k buwan buwan, na sya namang tinaasan ng kilay ng nanay ni Michael.

Aniya, masyado itong malaki at sahod na ng apat na tao. Nilabas ni Queenie ang hinanakit nito sa pamilya ng asawa, unang una sa pang-aalipusta sakanya.

Reaksyon Ng Mga Netizen

Ang mga netizen ay natuwa sa kinahantungan ng panayam. Ayon sa marami, halatang nagsisunungaling ang pamilya ng lalake at scripted ang mga sinasabi. Madami ang humanga kay Queenie dahil matapang nitong hinarap ang kanyang mga byenan at ilagad ang pagkakamali nito sakanya.

Source: YouTube

The post PART 2: Babaeng Dinala sa Mental, Nakaharap na ang Dating Asawa at Byenan na Babae appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*