Huli-Cam: Panghoholdap ng mga Naglalako ng DVD sa Isang Pamilya sa Cavite!

Ang mga masamang loob, holdaper, magnanakaw, kriminal ay walang pinipiling oras sa panahon na ito. Kaya naman malaki ang pasasalamat ng lahat na mayroon na tayong mga CCTV sa bawal lugar upang makuhaan ang mga tunay na pangyayari sa likod ng bawat kwento. Hindi man nito naisasagip mula sa pahamak ang tao, nakatutulong naman ito para magbigay ng paalala o babala sa mga tao ng nga posibleng panganib na pwedeng matamo ng isa.

Holdaper

Sa isang video na nilabas ng GMA News sa Facebook page nito, ibinahagi nito ang kuha sa CCTV ng isang Youscooper na si Bhing Minia kung saan ay makikita kung paano pinagtulungang holdapin ng mga naglalako ng DVD ang isang pamilya sa General Trias, Cavite.

Kuha Sa CCTV

Makikita ang pagpark ng isang puting sasakyan sa tapat ng isang bahay at maya maya pa ay nagsibaba na ang mga taong lulan nito. Isang bata naman ang nasa mismong lugar na naglalakad lakad lang sa tapat ng kotse habang tila inaantay ang ama na bumaba ng sasakyan. Mamaya pa ay makikita na dadaan ang tindero ng DVD at animo ay humahanap lang ng tyempo para magawa ang masamang balak.

Pagkababa ng ama o ng drayber, sinimulan na sugurin ng tinatayang 3-4 na lalake ang tatay at hinoldap ito. Isa sa mga holdaper ay naglabas ng baril at sabay sabay silang tumakbo matapos magawa ang krimen. Habang tumatakbo palayo ang mga kawatan ay nadaanan nila ang batang babae at walang awang binangga na nagdulot ng pagkatumba nito. Matapang na hinabol ng bata ang mga holdaper habang pasunod na tumatakbo ang umano ay nanay at tatay ng bata.

Masasabing sinadya ang krimen at talagang natiktikan na ang pamilya. Makikita din na tila planado at eksakto ang pag-aabang nito sa pagdating ng pamilya. Ang pangyayari ay naganap noong ika-27 ng Setyembre. Ang mga nakuha sa pamilya ni Bhing ay tatlong telepono at dalawang bag na naglalaman ng pera. Naipa-blotter na din nila ang pangyayari.

Matapang Na Bata

Nabilib naman ang mga netizen sa tapang na ipinakita ng batang babae. Ngunit nangangamba din naman ang ilan para sa buhay ng bata na nauna nang masaktan nang mabangga ng mga tumatakbong holdaper. Mabuti na lamang ay hindi sinaktan ang sinuman sa pamilya.

(function(d, s, id) { var js, fjs = d.getElementsByTagName(s)[0]; if (d.getElementById(id)) return; js = d.createElement(s); js.id = id; js.src = ‘https://connect.facebook.net/en_US/sdk.js#xfbml=1&version=v3.1’; fjs.parentNode.insertBefore(js, fjs);}(document, ‘script’, ‘facebook-jssdk’));

YouScoop: Holdap sa General Trias, Cavite, na-huli cam

WATCH: Na-hulicam ang panghoholdap sa pamilya ni YouScooper Bhing Minia sa Bacao I, City of General Trias, Cavite noong hapon ng September 27. Ayon kay Bhing, ilang minutong nag-aalok ng DVD sa labas ng kanilang compound ang mga salarin. Maya-maya’y bumunot na ng mga baril ang mga ito at saka isinigawa ang krimen. Isang batang babae ang nasaktan sa tangkang pigilan ang mga kawatan. Natangay mula kina Bhing ang tatlong cellphone at dalawang bag na may lamang pera. Napa-blotter na ito sa pulisya. Nagpapasalamat naman si Bhing na ligtas ang kanyang pamilya.

Posted by GMA News on Thursday, September 27, 2018

Ilan ito sa mga komento ng netizens.

Source: Facebook

The post Huli-Cam: Panghoholdap ng mga Naglalako ng DVD sa Isang Pamilya sa Cavite! appeared first on Updated Tayo.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*